Archive for June, 2006

alipin

Sunday, June 11th, 2006

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana’y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik

Ayoko sa iba
Sayo  ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso’t pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya

Pilit mang abutin ang mga tala
Basta’t sa akin wag kang mawawala

Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin

i

Sunday, June 11th, 2006


      Ay, wag naman
      Alisin ang nag-iisang panaginip
      Na ika’y magbabalik
      Nagsasamang masaya at walang pagkukulang

      At ngayong wala ka na
      Hindi alam kung saan magsisimula
      Ang ngayon, bukas, kailanman nag-iba
      Wala bang bukas

      Ay, bahala na
      Ang tanging narinig, wala ka bang ibang masabi
      Huwag ka nang mag-alala
      Inintindi ko ang lungkot na ginawa mo

      Paulit-ulit mananatili (wala bang bukas)
      Paggising ko’y wala pa rin (wala bang bukas)
      Hindi maamin ilang dalangin (wala bang bukas)
      Wala na, wala ka, wala na